Monday, July 6, 2015

ULAN ---- Pagtatago sa Tunay na Nararamdaman

Lagi na lang umuulan kapag birthday ko. Dahil ipinanganak sa panahon ng tag-ulan, sanay na ako na sa tuwing magdiriwang ako ng kaarawan, nakiki-celebrate din ang langit sa akin. Sabi ng Google Dictionary, "Rain is moisture condensed from the atmosphere that falls visibly in separate drops." Sabi namang ng Wikepedia, "Rain is liquid water in the form of droplets that have condensed from atmospheric water vapor and then precipitated—that is, become heavy enough to fall under gravity. Rain is a major component of the water cycle and is responsible for depositing most of the fresh water on the Earth." Sa madaling salita, ang ulan ay tubig na nagmula sa lupa, nag-evaporate, nag-condense, nagsama-sama, nabuo, bumigat at bumagsak ulit sa lupa. Paikot ikot lang. Tubig sa iba't ibang form. Tubig pa din siya, paiba-iba lang ng itsura, ng lugar, ng sitwasyon. Sa bandang huli, tubig pa din siya. 

Hindi ko alam kung bakit nakaka-emo ng pakiramdam kapag umuulan, ito yung mga panahon na ang sarap umupo lang sa may bintana, humigop ng mainit na kape at makinig sa mga senti-songs. Sa mga ganitong moments din masarap tumambay lang sa bahay, mag-movie marathon at kung anu-ano pa. Ang totoo, niyan napakarami kong karanasan na involve ang ulan. May mga magaganda, may nakakaiyak, may worth remembering, may gusto na ding kalimutan. The rain is witness to so many things in my life that I could tell a thousand stories with it. The rain gave me so much to remember as well as those people who shared those moments with me. 

I cannot remember when was the last time I cried. But I can tell you that when the happened, it was raining. When I was young, I wanted to rain so I can play with it. I will call my friends and we'll play under the rain. But when I get older, I wanted to rain so I can cry. I will go under the rain, no longer to play but to release emotions. I wanted to go under the rain so I can tell myself, "Sige lang, iyak ka lang. Lilipas din yan." Sa ulan ako iiyak para sumabay sa tubig-ulan ang luha ko. Nananalangin na sa pag-bagsak ng patak ng ulan sa mga mukha ko, kasamang dumaloy ang luha ko. Umiiyak ako sa ulan para hindi halata. Kailangan mong itago sa ulan ang kahinaan mo. Kailangang umulan muna para ma-realize ko na mahina din ako. One bad thing about being strong is that no one will realize that you are weak at some point. They won't care. Nagsilbi kang lakas ng maraming tao pero kapag ikaw na ang nanghihina, mahirap na dahil yung imahe mo bilang malakas na tao ang pinanghahawakan nila. Sabi nga ng paborito kong kanta, "They don't know that I come running home when I fall down. They don't know who picks me up when no one is around. I drop my sword and cry for just a while. Coz deep inside this armor the warrior is child." Nakakainis lang dahil kailangan mong tanggapin yung katotohanan na kahit anong lakas at tatag mo, darating yung punto na mapapagod ka, gugustuhin mo nang sumuko at tumigil na lang. Pero sa tuwing iisipin mong bumitaw, bigla mong maiisip na kailangan mong patuloy na magpakatatag dahil madaming nakakapit sayo. Kahit hirap hirap ka na, kailangan mong itago ang mukha mong malungkot para itakip ang mukhang hindi iyo para makapagpatuloy. Sasabihin mo sa sarili mo na, "Lilipas din ito. Hindi naman ito magtatagal." Maghihintay na lang ulit ng ulan para umiyak. Para hindi halata.

Let me quote myself sa isang post ko noon na assignment namin sa Filipino: "Katulad ng maraming tao. May suot din akong maraming maskara. Huwad na mukhang ipangtatakip sa tunay na mukhang sinugatan ng mga pangyayaring pinagdaanan sa nakalipas na panahon. Sa pagbabago ng mga taong nakakasama, nagbabago ang maskarang suot ko. Sa pagpapalit ng kasuotan, bagong mukha ang masisilayan. Minsan, ang nakasimangot na mukha, kailangang patungan ng nakangiting maskara upang maitago ang sakit na nararamdaman. Takot akong makaapekto ng kapwa ko. Hindi ko gustong may isa pang tao na magiging miserable dahil miserable ako. Pero alam ko na darating ang panahong huhubarin ko ang lahat ng huwad na mukha at ipapakita sa lahat ang tunay na mukha kong sugatan. Sugat na dulot ng hagupit ng buhay ngunit sya namang nagpatatag ng aking pagkatao."

Ulan. Maskara. Magkaibang bagay, pero pareho kong nagamit para magtago sa tunay na nararamdaman. Hindi madali pero isa sa mga katotohanan ng buhay na kailangang maranasan paminan minsan. 

Madami akong crying moments in the rain. Pero madami din naman akong magandang karanasan. Nariyan na nung minsan akong sagutin ng nililigawan habang umuulan. Nariyan yung naglalaro pa kami ng mga Acolytes noon sa ulan at sa baha sa tapat ng Simbahan sa Magville pagtapos ng meeting. Nariyan yung minsang nakasama maglakad sa baha habang umuulan ang mga kaibigan na tumagal ng halos isang oras dahil di namin alam kung saan dadaan. May sugat ako noon sa paa at kailangan sumakay sa bike habang tulak tulak ng kapatid ko sa takot namin na ma-impeksyon ako. Natapos ang gabi na yun ng pagkain ng Pancit Canton.

Naalala ko din ng minsang inabutan ng ulan pag-uwi galing trabaho. Alas tres ng madaling araw. Sobrang lakas ng ulan. Nasa Espana ako. Alam mo na siguro nangyari. Sobrang baha. Pero doon ako nakakilala ng 2 kaibigan na nakasabay kong umuwi. Hanggang ngayon, kaibigan ko pa din sila. Sinong makakapagsabi na ang malakas na ulan at hanggang bewang na baha, pwedeng magbunga ng mabuting pagkakaibigan. 

Bigla ko lang naalala, kanina, nagluto ako ng champorado. Bumili si Mama ng malagkit na bigas, gatas at asukal sa Puregold. So kailangan kong pumunta sa palengke para bumili ng cocoa at pandan sa palengke. Pagdating dun, nagkakaubusan ng gatas, cocoa at pandan. Madaming gustong magluto ng champorado. May narinig pa akong nag-uusap. Sabi nung isa a inutusan daw siyang bumili ng cocoa, tapos yung isa naman, magso-sopas daw yung nanay nya. Tuwing tag-ulan talaga, lalo na sa mga araw na suspended yung klase, wala kang choice kundi mag-stay sa bahay, iyan ang mga comfort food natin. Kahit nung bata pa ako, kapag naulan, laging may sopas, lugaw o champorado. Nakakatuwang isipin na kahit nakaka-senti yung ulan at ang daming negative thoughts na pumapasok sa isip natin kapag umuulan, nakakakita pa din tayo ng paraan para i-comfort yung mga sarili natin. Sa mga simpleng bagay, nakakakita tayo ng paraan para mapasaya natin ang mga sarili natin. Minsan talaga, hindi mo naman kailangan ng kung anu-ano pang mga espesyal na bagay para maging masaya. Parang kanina, champorado lang, solb solb na.

May nabasa ako. Sabi dun sa nabasa ko, "Life is not about waiting for the storm to pass. It's about learning to dance in the rain." Siguro, ang gustong sabihin sa'tin nito, huwag nating katakutan ang problema. Harapin natin ito. Sabayan natin. Okay lang kung masaktan ka sa proseso. Umiyak ka, masugatan ka, mabasa ka, malubog ka sa baha, mabasa mga gamit at kung anu-ano pa. Maging matapang ka. Lahat ng ulan lilipas lang din. At sa tuwing lilipas ang ulan, may araw na sisikat at magbibigay sa'yo ng bagong liwanag. 

Mukhang uulan na naman sa birthday ko. Pero ayos lang. Sabi nga ni Ate mo Lani Misalucha: 
Tila lilipas din ang ulan. Tila lilipas din ang bagyo. Liliwanag din ang kalangitan at ang araw ay sisikat ng muli.


GABRIEL LUCAS CAYETANO
July 7, 2015. 12:46 AM
Tondo, Manila

No comments:

Post a Comment