Monday, February 25, 2013

BASKETBALL --- Ang Laro ng Buhay


Hindi ako marunong maglaro ng Basketball. At isa ito sa mga pwede kong sabihing frustration ko sa buhay. Pero tuwang tuwa naman ako kapag nanonood ng mga laro nito. Dahil hindi naglalaro, pinilit ko isiniksik sa utak ko ang mga rules ng game para naman maintindihan ko ito habang nanonood. Medyo kumplikado pero okay na din. Ang mga Pilipino ay masyadong hike sa larong ito. Mapa-bata, matanda, lalaki at babae, nagpupustahan kapag finals na ng NBA, PBA, UAAP o NCAA. Naalala ko pa noon nung grade 5 ako, ang ingay ingay ng classroom namin kapag recess time dahil pinag-uusapan ang laban ng Alaska at Ginebra noong nakaraang gabi. Kahit hindi naglalaro at hindi naman masyadong interesado, kunwari sa Alaska ako kampi (Dahil para sa akin, gatas ito, pambata, di tulad ng Ginebra na alak.) 


Naimbento ang larong Basketball noong December 1891 ng isang American-Canadian Physical Education professor at instructor na si Dr. James Naismith. Naisip niya noon na gumawa ng isang team sports na hindi na kailangan lumabas ng gym nila lalo na kung tag-ulan o tag-lamig. Noong panahong iyon, tunay na basket ang ginagamit na nakasabit lang kaya kapag naka-shoot ng bola, kailangang may umakyat sa itaas upang kunin ito. Soccer ball ang ginagamit na bola kaya medyo nahirapan sila noon. Pagkatapos ng Soccer ball, brown ang unang naging kulay ng bolang gamit sa laro bago ito maging orange (or red orange) noong 1950's dahil naisip ni TOny Hinkle na dapat ay mas visible ang bola. Pero bumalik muna tayo kay Pareng Naismith. Tinawag niyang "Basket Ball" ang laro dahil sa isang obvious na bagay at ang game ay naging isang official game ng YMCA noong January 20, 1892 sa New York kung saan ang dalawang koponan ay may tig-siyam na miyembro. Natapos ang game na yun na ang score a 1-0 at ang layo ng gumawa ng puntos mula sa basket ay 25 feet o half-court ng kasalukuyang NBA Basketball court. Noong 1897-1898 lang naging standard na 5 players each team ang laban, kasabay ng Independence day ng Pilipinas. (Salamat sa Google). 

Hindi ko alam kung anong meron sa larong ito pero ang big deal talaga niya para ibang tao. Sabi ng isang kaibigan ko sa Montalban, parang nakakabawas daw ng pride kapag natatalo kaya kailangan magsikap na manalo sa bawat game. Kailangan mong sumunod sa mga rules dahil kung hindi, tatawagan ka ng mga referee ng foul at kapag naka-lima nito, matatanggal ka na sa laro. 2 ang referee na nagmamatyag ng mga kilos mo, di pa kasama ang mga committee at ang mga taong nakakakita sa paglalaro mo. Maitago mo man ang mga pagkakamali sa mata ng mga referee, di ka makakatakas sa mata ng mga taong nanonood. Ang mundo ay isang malaking basketball court, isa kang player. It's your game but you're not alone. (Parang magulo). May team mates ka, may kalaban, may mga nanonood. Kailangan mong galingan, para ma-impress ang audience, para gumanda ang records ng team niyo at kung anu-ano pa.  Pero kung iisipin, bakit ka ba naglalaro? Para ba sa sarili mo o para sa ibang tao? Ano ba ang malaga? 

"It's the game of life." Sabi nga ng isang kaibigan kong adik sa NBA. Totoo naman. Dahil kung ia-apply sa buhay ng tao ang laro ng basketball, marami tayong malalamang bagay. Kailangan mong isipin na ang larong ito ay isang labanan. May matatalo at mananalo. Hindi pwedeng parehong panalo. Hindi rin naman pwede parehong talo. Ang buhay ay isang malaking laro. May Game 1, Game 2, Semi Finals, at Finals. Hindi lang isang beses. May mga pagkakataong talo ka sa game 1 pero huwag mag-alala, may susunod pang pagkakataon na kung saan may chance ka ulit na ipanalo ang laban. Ganun talaga. Huwag kang masisiraan ng loob kung matalo ka ng ilang beses. Pero huwag hahayaan na ang bawat laban ay lilipas ng wala kang natutunan. Importante na malaman at mabalikan ang bawat laban sabay tanong sa sarili, "Anong dahilan ng pagkatalo?". Sa ganitong paraan, hindi na uulitin ang mga parehong pagkakamali sa mga susunod na laban.

Sa basketball, minsan kailangan tao-tao ang strategy. Ito yung tipong isang tao lang ang babantayan mo para siguraduhing hindi nila magagawa ang plano nila. Sa buhay ganun din. Kung may problema ka sa isang tao, harapin mo siya, hindi nga lang parahindi matupad ang mga gusto nya sa buhay, kundi upang maging maayos ang buhay. Kailangan mong harapin sila, kahit ilang beses mo silang iwasan o takbuhan, darating ang panahong lalapitan mo din sila. Sa basketball, bawal ang traveling, dapat idribol ang bola, hindi pwedeng patagalin na hawak mo lang. Kailangan mong pumili kung ititira mo yung bola o ipapasa mo sa kakampi. Kung hindi mo gagawin ito, tatawagan ka ng referee ng traveling violation. Oo nga naman. May mga pagkakataong kailangan mo nang magdesisyon sa buhay. Hindi pwedeng petiks petiks. Hindi pwedeng naghihintay ka sa wala. Dahil kung hindi mo ititira ang chance na ibigay sayo, bitawan mo na para pakinabangan ng iba. Hindi yung hihintayin mo pa na mawala na lang yung pagkakataong wala kang ginagawa. 

Team sports ang basketball. Meron kang kasama. May ball handler, may center, may point guard at iba pang di ko na alam. Hahaha! Pero isa lang ang sigurado. Hindi ka nag-iisa. You don't have to play alone.  So do not play alone. Huwag mong pagurin ang sarili mo. Alam ko, importante sa'yo ang imahe mo bilang isang malakas at magaling na manlalaro, pero hindi mo magagawa yan ng mag-isa. MVP ka. Pero walang nagiging MVP na siya lang. Ganun din sa malaking basketball court kung saan ka nakatira. You have your family, you have your friends and all. Do not have to face the challenges alone. Oo, may mga bagay at pagkakataong mag-isa ka, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. Value your family and friends. Sila yung support group mo. Sila yung kahit ilang beses kang matalo sa laban, darating at darating para i-cheer ka. Minsan, sila din yung referee na pupuna na nga mga mali mo sa laban. Sila yung mga commitee na nagre-record ng mga achievements mo. At minsa, sila yung mga kalaban mo, hindi para talunin ka, but to bring out the best in you.

Basketball is the game of life. Yes, indeed it is. Kung isusulat ko pa lahat ng gusto kong isulat tungkol sa basketball at kung anong koneksyon nito sa buhay na meron tayo, hahaba pa ng hahaba ang post ko na ito at tatamarin ka ng magbasa. Pero okay lang kung makakalimutan mo lahat ng sinabi ko, huwag lang itong mga susunod kong sasabihin. 

Sa pagalalaro ng basketball, mahihirapan ka kung ikaw na nga ang naglalaro, ikaw pa ang nag-iisip ng strategy para manalo. Kailangan mo ng isang tao na iyon ang gagawin, ang mag-isip at magsabi sayo kung paano ka tatakbo, sino ang papasahan mo, kung sino ang babantayan mo. Kailangan mo ng Coach. At ang pinakamagaling na Coach sa lahat ay nakahandang i-train ka, tulungan ka at alagaan ka, to win the Biggest Game of your life. Kailangan mo lang lumapit sa kanya, ang I am telling you, He won't let you down. Dahil sa Kanya, walang labang natatalo. Bawat laro, panalo. He will make you win. JUST DO IT. 



Gabriel Lucas Cayetano
2/25/2013

No comments:

Post a Comment