Wednesday, April 20, 2016

PISARA --- Isang Pagkilala sa mga Taong tunay na sumusulat ng Kasaysayan at humuhubog sa Lipunan

Ayoko talagang nagsusulat. Noong estudyante pa ako, lagi akong napapagalitan dahil ayokong magsulat. Kapag pasahan ng notebook, lagi akong bagsak. Tamad na tamad talaga ako sa mga ganyang gawain. Madalas akong maiwan sa classroom noong nursery ako dahil mabagal ang sulat ko. Natatandaan ko pang naaabutan na ako ng susunod na section sa classroom. Mas lumala yung katamaran ko magsulat noong elementary at high school. Decoration na lang ang notebooks ko sa bag ko dahil wala namang laman. Kapag nagsabi na ang teacher na kailangan nang ihanda ang notebook para ipasa, tsaka lang ako magkukumahog na kumopya sa mga kaklase ko na minsan, hindi effective dahil naghahabol din sila tulad ko. Nung college naman, mas lalong nag-level up yung love story namin ng writing. Pumapasok ako na ballpen lang ang dala kasama ng 3 piraso ng yellow padpaper. Wala ng bag. Mas epic dahil nauso na ang mga cellphone na may camera, andyan yung kukunan mo na lang yung lesson sa blackboard o kaya ire-record ang lecture ng instructor. Astig!!!

Monday, July 6, 2015

ULAN ---- Pagtatago sa Tunay na Nararamdaman

Lagi na lang umuulan kapag birthday ko. Dahil ipinanganak sa panahon ng tag-ulan, sanay na ako na sa tuwing magdiriwang ako ng kaarawan, nakiki-celebrate din ang langit sa akin. Sabi ng Google Dictionary, "Rain is moisture condensed from the atmosphere that falls visibly in separate drops." Sabi namang ng Wikepedia, "Rain is liquid water in the form of droplets that have condensed from atmospheric water vapor and then precipitated—that is, become heavy enough to fall under gravity. Rain is a major component of the water cycle and is responsible for depositing most of the fresh water on the Earth." Sa madaling salita, ang ulan ay tubig na nagmula sa lupa, nag-evaporate, nag-condense, nagsama-sama, nabuo, bumigat at bumagsak ulit sa lupa. Paikot ikot lang. Tubig sa iba't ibang form. Tubig pa din siya, paiba-iba lang ng itsura, ng lugar, ng sitwasyon. Sa bandang huli, tubig pa din siya. 

Monday, February 25, 2013

BASKETBALL --- Ang Laro ng Buhay


Hindi ako marunong maglaro ng Basketball. At isa ito sa mga pwede kong sabihing frustration ko sa buhay. Pero tuwang tuwa naman ako kapag nanonood ng mga laro nito. Dahil hindi naglalaro, pinilit ko isiniksik sa utak ko ang mga rules ng game para naman maintindihan ko ito habang nanonood. Medyo kumplikado pero okay na din. Ang mga Pilipino ay masyadong hike sa larong ito. Mapa-bata, matanda, lalaki at babae, nagpupustahan kapag finals na ng NBA, PBA, UAAP o NCAA. Naalala ko pa noon nung grade 5 ako, ang ingay ingay ng classroom namin kapag recess time dahil pinag-uusapan ang laban ng Alaska at Ginebra noong nakaraang gabi. Kahit hindi naglalaro at hindi naman masyadong interesado, kunwari sa Alaska ako kampi (Dahil para sa akin, gatas ito, pambata, di tulad ng Ginebra na alak.)