Mainipin akong tao. Ayoko sa lahat ng naghihintay ng matagal. Isa sa mga pangyayari kamakailan ang sumbok ng mabuti sa pasensya ko. Ang ginagawang Interchange sa crossing ng Quezon Ave. at ng Araneta Ave. sa Quezon City. Ang dating maayos sana na daloy ng trapiko, ngayon, isang taong bangungot ang mararanasan. Sabi nga nila, pagkatapos naman daw nito ay may maginhawa nang dadaloy ang trapiko sa nasabing lugar. Hindi pa rin ako kumbinsido. Ewan ko. Sa palagay ko, sa mga ganitong proyekto, mahirap maisakatuparan ang ganitong pangako, lalo na kung sa maynila mo iyan ilalagay.
Pumapasok ako sa trabaho sa oras na pauwi na ang iba. Alas sais ng gabi. Dito mo makikita ang mga taong matiyagang naghihintay sa gilid ng mahabang avenida ng lungsod ng Quzon na siyang daanan ng mga taong pauwi mula Maynila papuntang Fairview, Commonwealth, Montalban, San Mateo at Bulacan.
Isipin mo, hindi ba't kahit anong dami ng jeep, bus at fx na dumaan sa harapan mo, hindi ka na naman sasakay kung hindi naman iyong ang byaheng pupuntahan mo. Kung pa-fairview ka, bakit sasakay ka ng pa-SM North? Kung tutuusin, pwede naman, kaso, sayang sa oras at pera kung gagawin mo iyon. Maghihintay ka ng tamang sasakyan na magdadala sa iyo sa pupuntahan mo, kahit gaano pa siya katagal. Marunong ba tayong maghintay ng para sa atin? Handa ka bang magbigay ng panahon, lakas at magsakripisyo para lang makuha ang matagal mo nang inaasam? Kahit madaming dumaan sa harap mong pagkakataon, kung hindi naman para iyo, tatanggapin mo ba?
Patience is a virtue. Palagi kong naririnig pero hanggang ngayon, hindi ko pa din maintindihan. Samantalang sa madaling pagpapaliwanag, ang ibig sabihin lang naman niyan ay matuto kang maghintay. Bakit kailangang hintayin, kung pwedeng lakarin? Bakit kailangang maghintay kung pwede namang sunggaban na lang? Bakit kailangan maghintay kung pwede namang madaliin?
Ayoko ng naghihintay. Pero may isa akong natutunan sa bagay na pinakaayaw ko. Na sa paghihintay, mas lalo mong nakikilala ang sarili mo. Sa mga panahong naghihintay ako ng sasakyan, o naghihintay habang traffic, nakakapag-isip-isip ako. Sa paghihintay, hindi lang nasusubok ang pasensya ko, kundi ang pangangarap na darating ang panahon, makakarating din ako sa pupuntahan ko. Kahit traffic sa Quezon Ave. Kahit walang masakyan sa EspaƱa. Makakasakay at makakasakay din ako. Lahat ng pagkakataon, basta para sa iyo, darating at darating.
Ang buhay ng tao ay tulad nito. Marami at mahaba ang mga paghihintay. Ano ang makakatulong sa atin na mahalin ang paghihintay? Ito ang ating mga Pangarap. Makakamit at mararating ito, sa tamang panahon. Sa tamang lugar ng kalsada sa buhay mo kung saan ka naghihintay.
Kahit mahaba. Kahit matagal. Makakarating din.
Gabriel L. Cayetano
10/1/11 2:16 AM
Convergys - UP AyalaLand TechnoHub

No comments:
Post a Comment